MAHIRAP NA TALAGA ANG BUHAY ...
Araw ng Biyernes ngayon dalawang araw bago dumating ang kapaskuhan. Hindi ko pa madama ang kapaskuhan parang ordinaryong araw lang hindi katulad dati nobyembre pa lamang e dama mo na. Ewan ko ba kung bakit ganun siguro dahil iba na ang panahon ngayon, mahirap ang buhay. Dahil nga malapit na ang pasko nagpunta ako sa Robinsons para bumili ng lulutuin para sa noche buena. Ang daming tao ang haba ng pila sa cashier masasabi mo bang naghihirap n ang mga Pilipino ngayon KALOKOHAN.! (hahahaha).
Nagpunta ako sa foodcourt , syempre para bumili ng paborito kong siomai . Habang kumakain ako natawag ng isang lalake ang atensyon ko. Isa sya sa mga taga-paglinis doon habang nililigpit nya ang kahon ng pizza na pinagkainan ng iba ay nakita niyang may laman pa ito. Nagulat ako ng inalis kinuha nya ito at imbis na itapon ay itinago nya ito. Napansin nyang nakatingin ako kya bigla nyang binaba ito sa sahig sa gilid ng basurahan. Andaming pumasok sa isip ko. Nakaramdam ako ng lungkot. Hindi ko akalaing gagawin nya yun. Siguro naisip niyang makakatipid siya kesa bumili pa ng meryenda nya.
Umuwi ako sa bahay na puno ng kalungkutan. pero napag isip-isip ko. Ang swerte ko pala. hindi ko kailangang manguha ng basura para lang makakain. Hindi pala ko dapat magreklamo pag hindi ko gusto yung ulam dapat pala lagi akong mag pasalamat na may nakakain pa ko.
Siguro nga tama sila na hindi lahat ng Pilipino ngayon ay kaya pang tustusan lahat ng pangangailan. Naghihirap na nga marahil ang karamihan ng mga Pilipino.pero isa lang ang masasabi ko hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa. kailangan lang na maging matiyaga tayo at masipag upang umunlad tayo. Hindi imposibleng makaahon ang isang tao sa kahirapan . Ang isda nga at kawali nagtatagpo pa.(makonek lang :p.) Ang pag-ahon pa kaya sa hirap.
| Constantino, Ivy SP. |
| ECE- 1C |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento