Martes, Disyembre 27, 2011

REFLECTION

Magkabilaan by Joey Ayala 




Nang napakinggan ko ang awiting ito naguluhan ako 3 beses ko nga tong inulit hindi ko agad nakuha ang nais iparating nito. Isip ako ng isip hanggang na pagtanto ko kung anu talaga ang ibig sabihin nito para sa akin. Nag kantang Magkabilaan ay mayroong malalim na kahulugan. "Ang katotohanan ay may dalawang mukha" yan ang unang linya na tumatak tlga sa aking isipan dito pa lang malalaman mo na kung ano ang nais nitong ipabatid sayo. Tama siya totoong may dalawang mukha ang katotohan. maaring ang katotohanang iyon ay magbibigay sayo ng kasiyahan at maaari ding kalungkutan. laging mayroong dalwang panig na magkaiba. Mabuti o masama. Masaya o malungkot . Lageng mayroong dalwang pagpipilian parang sinasabe lang nito na dapat mag-isip ka kung alin ang pipiliin mo kung ang kaliwa ba o kanan. Tinuturuan tayo nito maging bukas ang isip sa mga bagay bagay na nangyayari sa mundo.

Sadyang ang mundo nga ay magkabilaan. Mayroong mga taong nasa baba ngayon ngunit papasaan pa at mapupunta din sila sa taas.  Hindi mo kailangang magmukmok kung ikaw ma ay nalugmok sa halip ay gumawa ka ng paraan upang mapunta ka sa taas.

Oo ang mundo ay magkabilaan nasa sa atin naman kung saaang panig natin gusto lumagay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento