Biyernes, Disyembre 30, 2011

Pinaka nakakainis na karanasan ngayong Christmas Vacation 2011

 Alumni Homecoming

Malapit ng matapos ang Christmas vacation pero wala pa din akong nalalag na entry tungkol sa nakakainis na karanasan ngayon bakasyon .  Naisip ko na nga mag mbento na lang e. kaso ang panget nmn kung mag-iimbento ako kaya nag-intay na lang ako. Ayun nga nangyari na.

Kahapon December 30, alumni homecoming ng St. Dominic Academy kung saan ako nag tapos ng hayskul ewan ko ba kung nagkataon lang. Sa tingin ko eto na ata talaga ang pinaka nakakainis na araw ng aking Christmas vacation. Nag palinis ako ng kuko at ayun na Murder ako(syempre yung kuko) nakakainis ang sakit kaya nun.Tanghali na kaya nauna akong pumunta kesa sa papa ko alumnus din ng Dominic. Pagdating ko dun ay nautasan ako kasama ng mga kaibigan ko na umupo sa registration ang daming dumating na mga alumni. Papirma dito abot ng ticket turo ng pwesto at kung anu- ano pa nang may bigala akong napansin ng kinapa ko ang bulsa ko. Nawawala yung pera ko yung 400 pesos ko na pambiili ko sana ng pang Carbonara para sa medya noche. Inis na inis ako inikot ko nga yung buong school namin para hanapin pero wal. Ang swerte ng nakakuha at ang malas ko dahil nawala ko. Ayun at nagkasunud- sunod pa ang kamalasan ko.

5:30 na nun gutom na kame gutom na gutom hindi pa kame naglulunch kayo nag aalburuto na ko. Sobarang badtrip na. sumabay pa yung isang babae na humihingi ng raffle ticket para sa mga kasama nya , punta daw ako dun at tignan ko daw kung sino yung mga tao hindi nabigyan e dun lang dpat sa registration table mg bigay ng raffle ticket dahil pag katapos mg register inaabutan na namin. Ayun kung anu-ano pa sinabe skin sa loob-loob ko lang nakipakisuyo na nga lang sila na kame ang umupo dun tapos pag sasalitaan pa kame. Hindi ba alam kung bakit parang uhaw na uhaw sila sa libreng raffle ticket, Nakakainis >:| . Hindi pa din binubukasan yung pagkain gutom na talaga kame nilibang namin ang mga sarili namin nagpunta kame sa photo booth at nag papicture ng apat na beses .Nang makakain kame may mga dumating na mga artista nakakainis dati hindi man lang kame nakapgpapicture dahil naiwan namin ang camera.Sayang minsan lang yun e.hahahaha.

Medyo late na pero d pa din tpos yung event , tinetxt na ko ni mama dahil nga gabe na. Ayaw ko pang umuwi dahil may tutugtog na banda sobran hilig ko sa mga banda kaya gusto ko talagang mapanuod kya pinauna na ko ni papa.  Nakakainis kasi pag dating ko sa bahay na tulog na pala si mama at nagulat pa sya na bat daw umuwi na ko agad nakapagsara n pala sya. hay buhay. Pagod na pagod ako kya natulog ako agad kaya nga ngayong umaga ko lang na post to. Pero bago ko tuluyang matulog nag-init muna ko ng tubig para ilagay yun sa telmos. nakakanis dahil natanga ko at nadikit ako dun sa takure habang inaabot ko yung takip ng kaldero.Ayun paso ang kamay ko.

Ewan ko ba kung nakakainis para sainyo to o hindi pero para sakin nakakainis talaga. Hindi akalaing mag masasabay sa isang buong araw lahat ng kamalasang ito na nagbigay sakin ng sobrang kainisan. siguro sinaday talaga to para may mailagay ako dito. Okay na din atleast ok na yung blog ko. Minsan talaga napaka ironic ng buhay :)





 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento